top of page
Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.

PANGANGAPA

Kapain mo ang himaymay ng mga musika na hindi mo marinig. Kapain mo ang daloy ng tubig sa batuhang walang lumot. Kapain mo ang linyang binakat ng mga langgam na walang mapuntahan

. Kapain mo ang kapaligirang likha lamang ng mga guni-guni. Kapain mo ang gabi na hiling mo ay di na magwakas. Kapain mo ang ang mga panaginip na ang tauhan ay nasa realidad. Kapain mo ang mahimbing na pagtulog na nabubuhay sa alamat. Kapain mo ang katahimikan na sa iyo'y ayaw magabang. Kapain mo ang mga salitang makabubuo ng isang aklat. Kapain mo kung hindi bahiran ng kadiliman ang bawat pahina. Kapain mo ang panulat kung iiyak ito ng langit. Kapain mo ang karimlan kung siya ay muling magsasalita. Minsan ay darating na bigla, Minsan ay maglalaho na lamang Ang lahat ng pangangapa. Ang mundo nga ba ang siyang nagkamali? O ang mga daliri mong nakalutang sa kawalan?


Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Connect
  • Google+ Social Icon
  • Facebook Social Icon
  • LinkedIn Social Icon
  • Twitter Social Icon
bottom of page