top of page
Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.

ISANG TIKLOP SA TALAARAWAN NG ISANG SURGEON (Malayang Taludturan)


Ayaw ko maglagay ng petsa,oras o panahon man,kaht taon.Kailanman hindi ko matagal na kakampi ang pinakamabilis na hati ng mga oras at panahon.

Ngayong gabi ay hawak ko ang cellphone ko ,hndi kamay ko ang pinang hahawak ko kahit dati kundi kaluluwa ko.

Ang payak na teknolohiya ay naging buhay,isang buhay na umiral sa loob ng aking sariling mundo.

Hindi ko to pinili bagkus dito ako nilugmok ng kabuuan ng mga pagkakataon.Hindi ko din nais malaman kung ilan ang katulad ko,kung papano kami

umuunan sa mga patay na oras na waring hinihiligan ng bungong hindi binigyan ng mukha at kutis ng panahon at lipunan.

Kung tutuusin ay wala namang halaga ang mga nasa labas,tumatakbo sa saliw at hatak ng mundo na nagdidikta ng mga dapat mong gawin pagkatapos ay babatiin ka ng gabi

ng walang kaligayahan.Nakakagulo lang sa akin ang ingay ng mga gulong na pinaaandar ng gasolinang nangagamoy sa kalye ng mga taong parang mga butiki na naghahanap ng makakaing insekto pero agad din namang nagtatago kapag nabusog na.

Ang mga pagpuputak ng mga tao sa paligid,

ang pagtsitsismisan ng mga manggagawa na makikita mo sa pnakamalapit na bar pag biyernes ng gabi at sa mga sumusunod na dalawang araw,ang mga pitik sa semento ng mga sapatos sa mga unibersidad na nagtuturo sating maging

tanga na ang kaligayahan ay katumbas lamang ng simpleng pag gradute at trabahong di mo naman tlaga gusto,napilitan ka lang dahl sa pagkalampag sa tenga mo ng kalderong nilusaw na ng uling.

Masaya,sa labas ngunit gaya lamang

ito ng pahina sa diary ,nadadaganan ng mga bagong pahina,

hindi umiral.Kaya ngayong araw na to,isinagawa ko ang isang perfect surgical operation .Ang pasyente ko ay nang galing sa labas.pagod na cya sa mga gulong sa lahat.kaht sa kanyang sariling mukha at pagkatao.

Apat na bagay ang kailangan ko alisin sa kanya.

ang kanyang tenga,mga mata,utak at puso.

Upang wag na cyang matakot.Upang wala ng bubomba ng walang kuwentang dugo sa kanyang buong katawan,maging tahimik,maging madìlim.

Ako ay ìsang manlilikha.Taga gawa ng isang taong nabubuhay sa perpektong oras.

Hindi na sya makikitakbo sa bawat karayom ng oras.Di na makakaramdam buhat sa kasalimuutan.Wala na ang pagiibig,lungkot at saya,takot at galit

NGUNIT PATULOY SYANG MABUBUHAY SA ISANG MUNDONG

TANGING PARA SA KANYA LAMANG. .. .


Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Connect
  • Google+ Social Icon
  • Facebook Social Icon
  • LinkedIn Social Icon
  • Twitter Social Icon
bottom of page