top of page
Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.

BAGONG HALIMAW

Maraming kuko and kadiliman, Ang iba sa mga ito ay nakikita ng ating dalawang mga mata, Samantalang ang ilan naman ay naririnig lamang Ng tengang ginawang isang halimaw ng kanyang nakaraan. Nagkaroon ng isang malaking pagbabago sa buhay Ng isang taong nagmamay-ari ng pansalo Sa lahat ng malalagim na tunog na may kasamang lungkot, Bahagyang tumahimik ang kanyang mundo. Ang mga paglalaro sa mga salita na naging kanyang kaluluwa Nagbukas ng isang bagong pintuan Ang bawat katahimikan ng gabi May kapalit na salapi. Ngunit ang kayamanang nahihipo ng mga kamay, Tila may tinatagong muling panganganak ng isang halimaw, Isang nakakapangilabot na bagong anak ng kadiliman Na kayang lamunin ang bawat emosyon mong maganda. May mga sandaling wala na siyang maramdaman, At mga punyal ang makikita sa kanyang mga mata. Unti-unti nilang kinikitil ang buhay na nagumpisa sa kanyang nakaraan Dahilan upang salubungin ng mga patak ng luha ang pagdating buwan. Nagbabago ng anyo ang halimaw, Sa mga panahon na hindi mababatid ng may katiyakan. Kaya rin nitong buhayin ang ilang piraso ng nakaraan, Marahil ay paraan niya ito upang ikaw ay kanyang bitagin. Ilang ulit kong pinag-isipan kung paano siya nalikha. Ang buhay ng halimanaw na ‘to, Hindi sa salapi nagsimula, At inakala kong ang kalikasan niya ay bago. Ngunit nararamdaman ko Na pinakikita niya lamang sa akin ang tunay kong kaanyuaan, At nais niya akong ihatid sa kaligayan at katahimikan Na lubha kong hinahangad.


Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Connect
  • Google+ Social Icon
  • Facebook Social Icon
  • LinkedIn Social Icon
  • Twitter Social Icon
bottom of page