top of page
Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.

SINABIT KO ANG MGA BITUWIN SA TABI NG ISANG KANAL (A Spoken Word Poetry On Being A Freelancer)


Tubig na mahinhing dumadaloy kasama ang lahat ng dumi at kalat na itinapon sa kanya ng mundo, mga supot ng pagkain, mga bote’t lata ng inumin, napkin, diaper, tsinelas na pudpod at gutay-gutay.

Kulang ang isang dosenang tula upang isa-isahin ko ang lahat ng basurang itinapon at itatapon ng isang bahagi ng isang barangay sa kanlungan ng tubig na palagi kong dinadaanan sa umaga at sa hapon, minsan pati sa gabi.

May isanghg kanal na dakila kong tagapanood habang paulit-ulit kong inilulutang sa mababaw na hangin ang lobo ng pag-ibig. May isang kanal na dakila kong taga-palakpak at taga-ngiti sa tuwing high na high si Kupido sa loob ng aking pagkatao.

At minsan malapit sa kanal na ‘to nabuo rin ang paulit-ulit na pagclick sa isang mouse. Ganun ko rin inulit-inulit ang pagpindot sa isang key ng katabi nitong keyboard. Enter! Enter! Enter!

At pinasok ko nga ang isang computer shop sa tabi ng isang kanal. Naisip ko bukod sa aking silid kung saan ko ibinubuhos ang mga oras ko bilang isang freelancer, may isa pa akong nahanap na opisina. Malapit sa isang napakaruming kanal, isinabit ko ang mga bituwin.


Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Connect
  • Google+ Social Icon
  • Facebook Social Icon
  • LinkedIn Social Icon
  • Twitter Social Icon
bottom of page